Thursday, September 23, 2010

Habang Atin Ang Gabi

(July something 2010)

CC: “Tara na, I have to go.”
Migo*: “Bakit? 4 am pa lang ah.”
CC: “Wow, 4 am PA LANG? Haha! Hindi ko naisip ever sa buong buhay ko na maririnig ko yan.”
Migo: “Eh iba tayo eh.”
CC: “Ayokong maabutan ng sunrise at paggising ng tatay mo noh.”
Migo: “Ninja moves ka nalang, like before.”
CC: “Hayop ka. Tara, hatid mo na ako sa dorm. Para sakto 5 am dating ko, di ako papagalitan.”

Isa-isa naming pinulot ang mga kani-kanina lang na suot na damit at inayos ang lahat. Inayos ang mga suot namin, ang bedsheets, ang mga nalaglag na libro na nasa kama kanina, ang gamit ko sa bag, ang mga wrapper ng condom, mga pinagkainan naming plato, ang mga baso sa mesa sa sala, ang bedsheet na ginamit sa sofa, ang unan sa sofa, lahat puwera nalang sa buhay naming mala-bampira.

Wala pang isang buwan na magkakilala kami pero lagi kaming ganun, lagi nalang sa gabi. May girlfriend siya nun at may boyfriend din ako. Pareho kaming taken (for granted) kung kaya’t nagtitiis kami sa pagiging isang sikreto. Hindi ko alam kung ano kami at ayaw kong pagusapan kasi worried ako na it will just mess things up. Sa totoo lang, masaya na ako sa ganito lang. Pagkatapos ng lahat ng paghintay sa loob ng klase, sapat na ang ilang oras ng dilim.

Pinaandar na niya ang kotse, dumaan muna kami sa 7-11 sa may Market Market at bumili ng yosi. Sa C5, napansin kong napabagal ang pagmamaneho niya. Alam kong kaskasero siya lalo na pag kokonti lang naman yung kotse sa daan.

CC: “Whats up? Bumagal ata tayo ah.”
Migo: “Wala naman.”

Ngumiti siya kahit nakatingin parin sa daan. Hindi ko alam kung alam niyang tiningnan ko siya. Ang kaliwa niyang kamay ay nasa manibela (tama ba?) at ang kanan na dapat nasa stick shift ay nakahawak sa kamay ko. Hindi na ako tumutol. I took everything in at that moment, ang pabango niyang Armani Code, ang amoy ng yosi, ang malamig na hangin dahil nakababa yung bintana ng kotse, ang pagdaan ng mga ilaw, at ang kamay niya. Kahit nakatingin siya sa daan, kahit kalahati lang ng atensyon niya ay nasa akin at kalahati sa iba, tinanggap ko iyon.

Kung kaya ko lang nung panahon na iyon na pigilan ang gabi, gagawin ko. Kapag magkasama kami ni Migo, kahit ayaw ko aminin sa sarili ko, umaasa akong hindi na sumikat ang araw dahil naaaninagan rin ang katotohan at realidad ng buhay namin. Masaya naman ako sa bawat paglubog naman nito, nagiging malaya kami.


*Hindi niya totoong pangalan. Na-mention na rin siya sa entry na High and Dry but Wet, that happened after this pero haha di ko alam kung bakit yun yung inuna kong i-post.

Friday, September 3, 2010

TITI KA BA?

..tanong niya sa akin. Itago natin siya sa pangalang Ian*.

I: "Titi ka ba?"
CC: "Ha?! Hindi! Bakit?"
I: "O, hindi pala eh. Ba't ka nagagalit?"
CC: "Hahaha. Nagmamadali lang po sir."



Nung fourth year high school ako, patapos na ang school year at naisipan ng hindi ko na maalala na organization gumawa ng program. As in program na parang may sasayaw, kakanta ewan ko actually di ko talaga naaalala. Yung section namin, assigned sa pagsayaw. Ginawa namin para tipid sa effort, sinayaw namin ang tango na pinerform namin nung nagdaang JS Prom.

Since 2:00pm pa ang call time namin at walang pasok ng buong araw, naisipan kong magpalipas ng oras sa bahay. At siyempre, hindi ako pumayag na walang tao sa bahay at mag-isa lang akong gumagawa ng kalokohan. Tinawagan ko si Ian. Hindi ko na alam kung paano exactly kami nagkakilala pero we went to the same elementary school.. At nagkataon na nakatira kami sa parehong subdivision.

Hinubad ko ang suot kong pink pajamas na may teddy bears at malaking shirt na suot, pinalitan ng mas kanais-nais na damit. Kahit alam kong huhubarin ko parin ito in the near future, naisip kong kailangan maganda ang gift wrapper kahit hindi spectacular ang gift. Aaminin ko, fit ako at payat pero I dont have THE curves. Sa loob ng sampung minuto, nakarating na rin siya sa bahay ko.

CC: "Ano ba yan, pinahintay mo pa ako." Sabay harang sa pintuan at nilagay ang kaliwang kamay sa hip.
I: "Sorry po ma'am. Haha!"
CC: "Anong sorry? Walang sorry sa mundong ito! May kapalit ang lahat."

Wala nang sali-salita, hinila ko siya papunta sa kwarto at nung nasa labas pa lang kami, he pushed me against the wall sa pinaka-animalistic na paraan. Parang taga-PNP na may isang araw lang para magparaos ng libog after 10 years. Hinalikan niya ako, pumasok na kami sa kwarto at tinulak ko siya sa kama. And as they say, the rest is history.

Pagkatapos ng laban, tiningnan ko ang relo. Tangina lang, 1:45 na. 
Sinigawan ko siya, "Hoy get me a cab! May performance kami at 2:00! Bangon na diyan, kahit wag ka nang magdamit, go! Cab! Now!" Nakatingin lang siya sa akin, nakabalot parin ang kalahati ng katawan niya ng kumot at tinanong  sa akin kung titi ba ako. Hindi siya nakakatawa nung panahon na iyon pero nang nakasakay na ako sa taxi at dun na nagbihis, nag-ayos ng buhok, nag makeup, nagpabango para hindi amoy sex at nag-papanic text at the same time, bumenta pala yung linya niya. Tiningnan ako ng taxi driver nung tumatawa akong mag-isa at naka pang-tango makeup at 1:55pm.

Pagdating ko sa school, sakto kami na yung next performers.
Haaay, determination does go a long way. :-)

Kayo, ano yung habit niyo usually pagkatapos mag sehehexytime? Ano naman yung weirdest thing you did?