(July something 2010)
CC: “Tara na, I have to go.”
Migo*: “Bakit? 4 am pa lang ah.”
CC: “Wow, 4 am PA LANG? Haha! Hindi ko naisip ever sa buong buhay ko na maririnig ko yan.”
Migo: “Eh iba tayo eh.”
CC: “Ayokong maabutan ng sunrise at paggising ng tatay mo noh.”
Migo: “Ninja moves ka nalang, like before.”
CC: “Hayop ka. Tara, hatid mo na ako sa dorm. Para sakto 5 am dating ko, di ako papagalitan.”
Isa-isa naming pinulot ang mga kani-kanina lang na suot na damit at inayos ang lahat. Inayos ang mga suot namin, ang bedsheets, ang mga nalaglag na libro na nasa kama kanina, ang gamit ko sa bag, ang mga wrapper ng condom, mga pinagkainan naming plato, ang mga baso sa mesa sa sala, ang bedsheet na ginamit sa sofa, ang unan sa sofa, lahat puwera nalang sa buhay naming mala-bampira.
Wala pang isang buwan na magkakilala kami pero lagi kaming ganun, lagi nalang sa gabi. May girlfriend siya nun at may boyfriend din ako. Pareho kaming taken (for granted) kung kaya’t nagtitiis kami sa pagiging isang sikreto. Hindi ko alam kung ano kami at ayaw kong pagusapan kasi worried ako na it will just mess things up. Sa totoo lang, masaya na ako sa ganito lang. Pagkatapos ng lahat ng paghintay sa loob ng klase, sapat na ang ilang oras ng dilim.
Pinaandar na niya ang kotse, dumaan muna kami sa 7-11 sa may Market Market at bumili ng yosi. Sa C5, napansin kong napabagal ang pagmamaneho niya. Alam kong kaskasero siya lalo na pag kokonti lang naman yung kotse sa daan.
CC: “Whats up? Bumagal ata tayo ah.”
Migo: “Wala naman.”
Ngumiti siya kahit nakatingin parin sa daan. Hindi ko alam kung alam niyang tiningnan ko siya. Ang kaliwa niyang kamay ay nasa manibela (tama ba?) at ang kanan na dapat nasa stick shift ay nakahawak sa kamay ko. Hindi na ako tumutol. I took everything in at that moment, ang pabango niyang Armani Code, ang amoy ng yosi, ang malamig na hangin dahil nakababa yung bintana ng kotse, ang pagdaan ng mga ilaw, at ang kamay niya. Kahit nakatingin siya sa daan, kahit kalahati lang ng atensyon niya ay nasa akin at kalahati sa iba, tinanggap ko iyon.
Kung kaya ko lang nung panahon na iyon na pigilan ang gabi, gagawin ko. Kapag magkasama kami ni Migo, kahit ayaw ko aminin sa sarili ko, umaasa akong hindi na sumikat ang araw dahil naaaninagan rin ang katotohan at realidad ng buhay namin. Masaya naman ako sa bawat paglubog naman nito, nagiging malaya kami.
*Hindi niya totoong pangalan. Na-mention na rin siya sa entry na High and Dry but Wet, that happened after this pero haha di ko alam kung bakit yun yung inuna kong i-post.
a friend of mine's going through this right now. grabe, masaya siya sa simula. nakakaloka lang ngayon kasi it got complicated for her ng sobra.
ReplyDeleteoh no. masaya parin ba siya? haha i bet errr hindi na.
ReplyDelete