Sabi nila, ang matapang ay walang-takot na lumalaban.
Ang sabi ko naman: Ang tunay na matapang ay lumalaban
Kahit natatakot.
Kahit natatakot.
-Jose F. Lacaba, Tagubilin at Habilin
Alam niyo yung pakiramdam na tumayo sa medyo edge ng platform ng LRT o MRT tapos may dumadaan na train? I love that feeling. Lalo na kapag nakikita ko sarili ko sa salamin kahit sobrang bilis na ng takbo and at the same time nakikita ko ang mga tao sa loob nito. Di sila gumagalaw pero actually mas mabilis pa ang displacement nila. The best part - when the last cable car passes at dahil sa siguro torque at aerodynamics, para bang hinigop na ng train ang kaluluwa mo and it leaves you breathless. At yung bonus pang sudden silence pagkatapos niyang dumaan.
This is how I feel pag kasama ko si Migo.
Ngayon, single na ako. Single na siya. Wala kaming pananagutan sa isa't isa pero ewan ko. May um something kami pero everytime we try to talk about it, wala kaming napapala. Malabo pa rin at magulo. We never seem to come to a compromise and I dont trust myself with him. Pakiramdam ko he doesnt trust me either.
Parang tren lang, hinahayaan ko ang sarili ko na maramdaman ang pagbulusok nito sa hangin, pinapakinggan ang pagkaskas ng bakal sa bakal. Kahit alam kong mapanganib at ipinagbabawal ang pagtayo ng sobrang lapit sa tren, hinayaan ko lang ang sarili ko na maranasan ito.
-------------------------------------------------------------------
PS.
Parang ang sikat na ni Migo sa blog ko ah.
Tampok rin siya sa mga sumusunod na entry:
1. http://carnalcircus.blogspot.com/2010/09/habang-atin-ang-gabi.html
2. http://carnalcircus.blogspot.com/2010/08/high-and-dry-but-wet.html
3. http://carnalcircus.blogspot.com/2010/10/kinantot-ng-malas.html