Thursday, February 3, 2011

Serbesa

Something I did waaay back in high school. So yeah 6 years ago so be nice about it.  As long as stuff rhymed okay na yun for me haha.


Sa bawat patak nitong serbesa
At sa tamis nitong mga bula,
Ikaw lamang, giliw ang inaalala
Dahil sa di mapigilang pagnanasa.

Ako’y nag-aabang, kailan ba tayo muling magtalik
Upang maranasan muli ang tamis ng iyong halik?
Huwag kang magtanggi na ikaw rin ay nasasabik
Sa panahon para makiramdam kahit di umimik.

Sa init ng apoy, tayo’y gumagalaw.
Ang nagliliyab na damdamin, ating pinaaapaw,
Lihim na ito, di nasisilayan ng sinag ng araw.
Saksi lamang ang mga bulag na bulalakaw.

Sa gabing mapanukso, ika’y nagiging makata.
Nagmistulang henyo, kung kaya’t ako nahihiya.
Sino ba naman ako? Isang mukha lang sa madla,
Na napasailalim sa iyong taglay na hiwaga.

Ang ating mga hininga’y nagsisipaghabulan,
naglulubid sa ilalim ng kumot ng karagatan.
Mga uhaw nating damdamin, di na napigilan,
Kaya’t kinalimutan ang hapdi ng ating kamunduhan.

Naparating ako rito na pulutan lang ang sandata
Ngunit nakakamandag nga talaga itong tama.
Ang hiniram kong oras para mag-gunita
Ay natapos na pala, at nagising sa katotohanan-

..na serbesa nga lang pala ang kasama.