Something I did waaay back in high school. So yeah 6 years ago so be nice about it. As long as stuff rhymed okay na yun for me haha.
Sa bawat patak nitong serbesa
At sa tamis nitong mga bula,
Ikaw lamang, giliw ang inaalala
Dahil sa di mapigilang pagnanasa.
Ako’y nag-aabang, kailan ba tayo muling magtalik
Upang maranasan muli ang tamis ng iyong halik?
Huwag kang magtanggi na ikaw rin ay nasasabik
Sa panahon para makiramdam kahit di umimik.
Sa init ng apoy, tayo’y gumagalaw.
Ang nagliliyab na damdamin, ating pinaaapaw,
Lihim na ito, di nasisilayan ng sinag ng araw.Saksi lamang ang mga bulag na bulalakaw.
Sa gabing mapanukso, ika’y nagiging makata.
Nagmistulang henyo, kung kaya’t ako nahihiya.
Sino ba naman ako? Isang mukha lang sa madla,
Na napasailalim sa iyong taglay na hiwaga.
Ang ating mga hininga’y nagsisipaghabulan,
naglulubid sa ilalim ng kumot ng karagatan.
Mga uhaw nating damdamin, di na napigilan,
Kaya’t kinalimutan ang hapdi ng ating kamunduhan.
Naparating ako rito na pulutan lang ang sandata
Ngunit nakakamandag nga talaga itong tama.
Ang hiniram kong oras para mag-gunita
Ay natapos na pala, at nagising sa katotohanan-
..na serbesa nga lang pala ang kasama.
ibuhos na ang serbesa sa aking bunganga. ikampay sa hangin at sabay lagukin!
ReplyDeletekamusta?
lahat ng lasing nagiging makata sa espiritu ng alkohol! hehehe!
ReplyDeleteAng ating mga hininga’y nagsisipaghabulan,
ReplyDeletenaglulubid sa ilalim ng kumot ng karagatan.
Mga uhaw nating damdamin, di na napigilan,
Kaya’t kinalimutan ang hapdi ng ating kamunduhan.
kampay! :)
akalain mong makata ka rin pala! :D
ReplyDelete@super B, ang beeeer na 'to o ang pag ibig moooo haha. okay naman. tired and confused. but then again, who isnt?
ReplyDelete@an_indecent_mind YEHESSS at biglang mahal na natin ang lahat ng tao. :))
@neneng K bottoms up! woooot!
@artiemous heee hindi nemeeen :">
All this "I wrote this years ago" makes me feel frustrated about the scribblings I did when I was in High School. Parang isang stanza na nga lang ang naalala ko sa mga pinag-gagagawa ko noon....
ReplyDeleteSa gitna ng kadiliman,
'Pag ang boses mo ay napakinggan,
Lahat ay maliliwanagan,
Dahil sa taglay mong kagandahan.
/powered by classroom boredom