Sunday, November 14, 2010

Para Kay Migo

Sabi nila, ang matapang ay walang-takot na lumalaban.
Ang sabi ko naman: Ang tunay na matapang ay lumalaban
Kahit natatakot.

-Jose F. Lacaba, Tagubilin at Habilin

Alam niyo yung pakiramdam na tumayo sa medyo edge ng platform ng LRT o MRT tapos may dumadaan na train? I love that feeling. Lalo na kapag nakikita ko sarili ko sa salamin kahit sobrang bilis na ng takbo and at the same time nakikita ko ang mga tao sa loob nito. Di sila gumagalaw pero actually mas mabilis pa ang displacement nila. The best part - when the last cable car passes at dahil sa siguro torque at aerodynamics, para bang hinigop na ng train ang kaluluwa mo and it leaves you breathless. At yung bonus pang sudden silence pagkatapos niyang dumaan.

This is how I feel pag kasama ko si Migo.

Ngayon, single na ako. Single na siya. Wala kaming pananagutan sa isa't isa pero ewan ko. May um something kami pero everytime we try to talk about it, wala kaming napapala. Malabo pa rin at magulo. We never seem to come to a compromise and I dont trust myself with him. Pakiramdam ko he doesnt trust me either. 
Parang tren lang, hinahayaan ko ang sarili ko na maramdaman ang pagbulusok nito sa hangin, pinapakinggan ang pagkaskas ng bakal sa bakal. Kahit alam kong mapanganib at ipinagbabawal ang pagtayo ng sobrang lapit sa tren, hinayaan ko lang ang sarili ko na maranasan ito.

-------------------------------------------------------------------
PS.
Parang ang sikat na ni Migo sa blog ko ah. 
Tampok rin siya sa mga sumusunod na entry:

1. http://carnalcircus.blogspot.com/2010/09/habang-atin-ang-gabi.html
2. http://carnalcircus.blogspot.com/2010/08/high-and-dry-but-wet.html
3. http://carnalcircus.blogspot.com/2010/10/kinantot-ng-malas.html


8 comments:

  1. teh, feel na feel ko yung images sa first paragr.
    oo nga sikat na si migo sa blog mo, ang lalaking ayaw sa dinuguan lols

    ReplyDelete
  2. gusto ko din yung feeling ng nasa gilid ng MRT sabi nga eh "living on the edge... literally" Iba talaga ang nagagawa ni Migo sayo! Happy naman sya eh, so enjoy mo lang but of course keep it safe! :D

    ReplyDelete
  3. "Parang tren lang, hinahayaan ko ang sarili ko na maramdaman ang pagbulusok nito sa hangin, pinapakinggan ang pagkaskas ng bakal sa bakal. Kahit alam kong mapanganib at ipinagbabawal ang pagtayo ng sobrang lapit sa tren, hinayaan ko lang ang sarili ko na maranasan ito."

    ang galing ng pagkakalarawan mo... nakuha ko ang damdamin na gusto mong ihatid..

    bawal + delikado + kakaiba = masarap

    nice post C.C.!!

    ReplyDelete
  4. @orally heee thanks. :)) dinuguan amp. yeah i guess you'll read more about Migo pa sa susunod.
    @artie yehesss worth it yung pag commmute dhl sa feeling na un e. haha! err thanks :)
    @indecent mind, MASARAP hahaha thank you thank you!

    ReplyDelete
  5. Your post, it whacks you in the head but somehow it does not hurt, on the contrary, it makes you want to be whacked in the head more and more.

    Until some day the last one might make you realize of a more profound explanation for this attraction.

    ReplyDelete
  6. i hope migo and you work things out..mukhang mhal na mahal mo na siya..

    tagasan k pla

    ReplyDelete
  7. ngapla ok ung quote sa una..it speaks truth and reality..sabi nga nila palong-palo hehehe :)

    ReplyDelete