Sunday, November 14, 2010

Para Kay Migo

Sabi nila, ang matapang ay walang-takot na lumalaban.
Ang sabi ko naman: Ang tunay na matapang ay lumalaban
Kahit natatakot.

-Jose F. Lacaba, Tagubilin at Habilin

Alam niyo yung pakiramdam na tumayo sa medyo edge ng platform ng LRT o MRT tapos may dumadaan na train? I love that feeling. Lalo na kapag nakikita ko sarili ko sa salamin kahit sobrang bilis na ng takbo and at the same time nakikita ko ang mga tao sa loob nito. Di sila gumagalaw pero actually mas mabilis pa ang displacement nila. The best part - when the last cable car passes at dahil sa siguro torque at aerodynamics, para bang hinigop na ng train ang kaluluwa mo and it leaves you breathless. At yung bonus pang sudden silence pagkatapos niyang dumaan.

This is how I feel pag kasama ko si Migo.

Ngayon, single na ako. Single na siya. Wala kaming pananagutan sa isa't isa pero ewan ko. May um something kami pero everytime we try to talk about it, wala kaming napapala. Malabo pa rin at magulo. We never seem to come to a compromise and I dont trust myself with him. Pakiramdam ko he doesnt trust me either. 
Parang tren lang, hinahayaan ko ang sarili ko na maramdaman ang pagbulusok nito sa hangin, pinapakinggan ang pagkaskas ng bakal sa bakal. Kahit alam kong mapanganib at ipinagbabawal ang pagtayo ng sobrang lapit sa tren, hinayaan ko lang ang sarili ko na maranasan ito.

-------------------------------------------------------------------
PS.
Parang ang sikat na ni Migo sa blog ko ah. 
Tampok rin siya sa mga sumusunod na entry:

1. http://carnalcircus.blogspot.com/2010/09/habang-atin-ang-gabi.html
2. http://carnalcircus.blogspot.com/2010/08/high-and-dry-but-wet.html
3. http://carnalcircus.blogspot.com/2010/10/kinantot-ng-malas.html


Friday, November 5, 2010

Your Favorite Mistake

Bago tumatak sa isip niyong completely heartless ako, I'd like to share with you a picture of the sweetest bouquet I've ever receieved in my life.

Let's say it's from M.

I met M when we were college freshmen, dormmates in a residence hall aptly called "Kalayaan". We were both not from the Metro Manila area. He was from Bicol. Uragon. Visual peg : Hermes Bautista from PBB Double UP. He had the same body build, same facial expressions and same bad-boy appeal but a little bit shorter probably.

Nakilala ko siya nung second sem na, when he started showing up at dorm activities for which he looked extra tasty. We went out a few times and he made the mistake of giving me a phone when I lost mine. And I lost the phone he gave me after 24 hours. Saklap diba. Nag-sorry ako pero he even laughed about it, "Ano ba naman yan, bibigyan na nga lang kita ng 5110. Haha!"

There wasn't anything extraordinary about his personality. He was nice, not too sweet, sobrang galante and I was always the boss. He showed up to the culminating activity at the end of the year where um residents' academic accomplishments were recognized. Hindi naman siya mukhang matalino at nagulat ako nung tinawag yung pangalan niya para kunin ang certificate. Apparently, college scholar siya which meant that his weighted average was 1.75 or better.

After dinner, he gave me this:


A flower he just took from one of the tables' centerpieces and wrapped it with his certificate.

That was three years ago.
During the summer, I just stopped responding to his messages and we lost contact.
I haven't received a sweeter bouquet since.
And he probably hasn't made a bigger mistake than me.

Friday, October 15, 2010

Kinantot ng Malas

 I saw this picture sa Google nung tinype ko yung "bad luck" sa search bar.
Sabi nga nila, no one dies a virgin because life fucks with you at least once.


Mag-iisang buwan na akong celibate. Oo, by choice, MY choice. Practice lang para sa self-control shit that my mom told me about. Kaya mga two days ago, napagdesisyunan kong yayain si Migo* na mag celebrate naman. Celibate and then celebrate. Okay. Basta the point is, uhaw na uhaw na ako at kailangan ko nang madiligan.

Sa boarding house ng mga kaibigan, sa gitna ng pagkanta nila "lupang uhaw sa pag ibig, naghihintay sa halik ng langit":

CC: "Argh I'm under a dry spell and I need party favors."
Friend1: "Have you seen Friend2's sin pouch?"
CC: "What in the world is a sin pouch, niGgaHfoOL?"
Friend2: "Ito. Ang mahiwagang sin pouch."

May iniabot siya sa akin na transparent pouch thing with a black zipper at kita ko sa loob ang lubricants, condoms at isang black pouch.

CC: "Ano 'tong black, ang sin  pouch ng sin pouch mo?"
Friend2: "Girl, buksan mo kasi."

Handcuffs. Handcuffs and drama ng ate mo 'te.

CC: "PAHIRAM."

Later that day, sinamahan nila ako para magpa-Brazilian wax. First time kong magpawax ng chururus. Pagdating ko dun, papers papers, fill-up, pinapasok ako sa kwarto tapos binigyan ng tuwalya at pinahubad. May kinuha lang si ate magwawax sa labas at pagbalik niya, pinahiga niya ako at siya pa ang naghubad ng towel ko. Parang, ATE WAIT LANG. Hindi ako prepared eh. Brazilian wax virgin ako nun at para bang ginahasa ako bigla. Every hila niya, "Puta, sakit." Tinatawanan ata ako ni ate beneath her face mask of deceit kasi nakikita ko parin ang mata niyang nagsa-smize. Smile with your eyes (c)Tyra Banks.

The following day, ready na ako at lahat tinext ko na si Migo para sunduin ako sa dorm nung gabi na iyon. Iniimagine ko na kung pano ako huhubad, sasayaw at ipakita ang mga hidden talents ko habang naka-handcuffs siya tapos biglang BAM! May period pala ako. Perfect timing. Brazilian wax, mygad sayang. Handcuffs, eh I sprayed Lysol on those and semi-sterilized them pa.

Buti naman at hindi masyadong nag-expect si Migo so kumain nalang kami ng dinner at chumill with friends sa may Katipunan.

*Si Migo ay na-mention sa nakaraang posts rin tulad ng ITO at ITO!

Sunday, October 10, 2010

Talentado

Ang kaibigan kong si Alex* ay ang guy version ko. Lumaki kami sa parehong probinsya, grumaduate sa parehong highschool, at magkaibigan ang mga nanay namin.May kontrata kami, kung wala pa kaming asawa kapag 30 na kami, kami nalang.


Sa Maginhawa St sa Teacher's Village habang nag-iinuman:


CC: "Alex can make anything sound bastos."
Andy (friend naming babae): "o sige nga."
Alex: "How come?"
*with the matching face.
CC: "Are we supposed to answer that? Haha!"
Alex: "How come? Grind. hahaha yun ang sagot. Grind."
Andy: "sige pa nga. ano pang bastos diyan?"
Alex: "Ffffffork. Mmmmmmother Mary!"
Andy: "We will never hear 'fork' the same way again"

------------------------------------------------------------------

A couple of years ago sa bahay niya:

Alex: "CC, tingnan mo 'to"
Lumapit ako at nagulat sa nakita sa kanyang cellphone. Mga picture ng hubad na katawan pero walang mukha.
CC: "Anong kabastusan nanaman yan?"
Sa kanyang laptop, may nakabukas na mga profiles ng mga babae sa Friendster (wala pang facebook noon hoy)
Alex: "May bago akong laro. Matching type. Match mo yung mga mukha sa katawan."
CC: "Hohmygad."

----------------------------------------------------------------
This year, just a normal school day sa tambayan nila:

CC: "Musta na kayo nung girl mo?"
A: "Ayoko, masyadong mabait. Godly"
CC: "Akala ko ba ikaw yung Filipino Barney Stinson?"
A: "Puta, challenge accepted! May naisip akong nickname."
CC: "O ano?"
A: "Alex 'The Converter'. You'll go from walking with God to OHMYGOD."
CC: :-| "evil ka."

----------------------------------------------------------------

ALEX salamat sa guidance sa lahat ng bagay. Pero hindi tayo bagay. Kasi masyado na kitang kilala. At masyado mo na rin akong kilala. Meron pa tayong 10 years para maghanap ng future ex husband/wife. Haha!

Saturday, October 2, 2010

oo, lalake lang may saging pero hindi lang saging ang may puso!

a sketch I did two years ago



Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na minahal kita nang buo. Well, at least I think I did.
Bakit nakuha ko pang makipagsex sa iba, hindi ko rin alam.

I know I screw things up and I've learned from that mistake pero kung nasa Miss Universe ako at tatanungin ko kung anong pinakamalaking bagay na pinagsisihan ko sa buhay ko, hindi parin ito yun.

Mas marami akong karanasan dati na nagbunga sa masakit na resulta pero definitely, this is one of the major major.

Alam kong hindi titigil ang mundo kahit gaano man ka-epic ang heartbeak natin. Pagkatapos ng dalawang taon natin, ayaw ko lang sanang isipin mong balewala yun lahat.

Hindi lang ikaw ang nahihirapan. Hindi ko alam kung bakit ako ganito and if I find out, gagawin ko ang lahat sa makakaya ko para ayusin ang sarili.

Alin ba ang dapat unahin, magpasalamat o humingi ng paumanhin?

Hayaan natin ating sarili upang magluksa ngunit subukan rin nating hanapin at ibuo ulit ating mga belief system. There will always be a part of me that will look for you in everyone I'm going to know.

Isa kang benchmark sa aking buhay and you definitely set the standards. Nalulungkot lang ako at nadidismaya sa sarili nung na-realize kong hindi ko alam kung marunon ako magmahal. Hindi ko alam paano mag-function bilang isang girlfriend, o bilang isang pangkaraniwan na member ng society.

Sana lang balang araw, mahahanap ko rin ang lahat ng sagot. Tama bang ako pa ang nang-iwan sa iyo? Sapat na ba ang guilt para iwanan ka? Tama bang ako na ang gumawa ng desisyon para sa iyo? Magsisisi ba ako sa ginawa ko?

Alam kong ayaw mo nang makipagbalikan pagkatapos ng breakup dahil para sa iyo, isa itong malaking aksaya ng panahon.

Balang araw, sagot lamang sa mga tanong na yun ang makakmit ko.
Paano kung ikaw na ang hinahanap ko at hindi lang yung sagot?

Thursday, September 23, 2010

Habang Atin Ang Gabi

(July something 2010)

CC: “Tara na, I have to go.”
Migo*: “Bakit? 4 am pa lang ah.”
CC: “Wow, 4 am PA LANG? Haha! Hindi ko naisip ever sa buong buhay ko na maririnig ko yan.”
Migo: “Eh iba tayo eh.”
CC: “Ayokong maabutan ng sunrise at paggising ng tatay mo noh.”
Migo: “Ninja moves ka nalang, like before.”
CC: “Hayop ka. Tara, hatid mo na ako sa dorm. Para sakto 5 am dating ko, di ako papagalitan.”

Isa-isa naming pinulot ang mga kani-kanina lang na suot na damit at inayos ang lahat. Inayos ang mga suot namin, ang bedsheets, ang mga nalaglag na libro na nasa kama kanina, ang gamit ko sa bag, ang mga wrapper ng condom, mga pinagkainan naming plato, ang mga baso sa mesa sa sala, ang bedsheet na ginamit sa sofa, ang unan sa sofa, lahat puwera nalang sa buhay naming mala-bampira.

Wala pang isang buwan na magkakilala kami pero lagi kaming ganun, lagi nalang sa gabi. May girlfriend siya nun at may boyfriend din ako. Pareho kaming taken (for granted) kung kaya’t nagtitiis kami sa pagiging isang sikreto. Hindi ko alam kung ano kami at ayaw kong pagusapan kasi worried ako na it will just mess things up. Sa totoo lang, masaya na ako sa ganito lang. Pagkatapos ng lahat ng paghintay sa loob ng klase, sapat na ang ilang oras ng dilim.

Pinaandar na niya ang kotse, dumaan muna kami sa 7-11 sa may Market Market at bumili ng yosi. Sa C5, napansin kong napabagal ang pagmamaneho niya. Alam kong kaskasero siya lalo na pag kokonti lang naman yung kotse sa daan.

CC: “Whats up? Bumagal ata tayo ah.”
Migo: “Wala naman.”

Ngumiti siya kahit nakatingin parin sa daan. Hindi ko alam kung alam niyang tiningnan ko siya. Ang kaliwa niyang kamay ay nasa manibela (tama ba?) at ang kanan na dapat nasa stick shift ay nakahawak sa kamay ko. Hindi na ako tumutol. I took everything in at that moment, ang pabango niyang Armani Code, ang amoy ng yosi, ang malamig na hangin dahil nakababa yung bintana ng kotse, ang pagdaan ng mga ilaw, at ang kamay niya. Kahit nakatingin siya sa daan, kahit kalahati lang ng atensyon niya ay nasa akin at kalahati sa iba, tinanggap ko iyon.

Kung kaya ko lang nung panahon na iyon na pigilan ang gabi, gagawin ko. Kapag magkasama kami ni Migo, kahit ayaw ko aminin sa sarili ko, umaasa akong hindi na sumikat ang araw dahil naaaninagan rin ang katotohan at realidad ng buhay namin. Masaya naman ako sa bawat paglubog naman nito, nagiging malaya kami.


*Hindi niya totoong pangalan. Na-mention na rin siya sa entry na High and Dry but Wet, that happened after this pero haha di ko alam kung bakit yun yung inuna kong i-post.

Friday, September 3, 2010

TITI KA BA?

..tanong niya sa akin. Itago natin siya sa pangalang Ian*.

I: "Titi ka ba?"
CC: "Ha?! Hindi! Bakit?"
I: "O, hindi pala eh. Ba't ka nagagalit?"
CC: "Hahaha. Nagmamadali lang po sir."



Nung fourth year high school ako, patapos na ang school year at naisipan ng hindi ko na maalala na organization gumawa ng program. As in program na parang may sasayaw, kakanta ewan ko actually di ko talaga naaalala. Yung section namin, assigned sa pagsayaw. Ginawa namin para tipid sa effort, sinayaw namin ang tango na pinerform namin nung nagdaang JS Prom.

Since 2:00pm pa ang call time namin at walang pasok ng buong araw, naisipan kong magpalipas ng oras sa bahay. At siyempre, hindi ako pumayag na walang tao sa bahay at mag-isa lang akong gumagawa ng kalokohan. Tinawagan ko si Ian. Hindi ko na alam kung paano exactly kami nagkakilala pero we went to the same elementary school.. At nagkataon na nakatira kami sa parehong subdivision.

Hinubad ko ang suot kong pink pajamas na may teddy bears at malaking shirt na suot, pinalitan ng mas kanais-nais na damit. Kahit alam kong huhubarin ko parin ito in the near future, naisip kong kailangan maganda ang gift wrapper kahit hindi spectacular ang gift. Aaminin ko, fit ako at payat pero I dont have THE curves. Sa loob ng sampung minuto, nakarating na rin siya sa bahay ko.

CC: "Ano ba yan, pinahintay mo pa ako." Sabay harang sa pintuan at nilagay ang kaliwang kamay sa hip.
I: "Sorry po ma'am. Haha!"
CC: "Anong sorry? Walang sorry sa mundong ito! May kapalit ang lahat."

Wala nang sali-salita, hinila ko siya papunta sa kwarto at nung nasa labas pa lang kami, he pushed me against the wall sa pinaka-animalistic na paraan. Parang taga-PNP na may isang araw lang para magparaos ng libog after 10 years. Hinalikan niya ako, pumasok na kami sa kwarto at tinulak ko siya sa kama. And as they say, the rest is history.

Pagkatapos ng laban, tiningnan ko ang relo. Tangina lang, 1:45 na. 
Sinigawan ko siya, "Hoy get me a cab! May performance kami at 2:00! Bangon na diyan, kahit wag ka nang magdamit, go! Cab! Now!" Nakatingin lang siya sa akin, nakabalot parin ang kalahati ng katawan niya ng kumot at tinanong  sa akin kung titi ba ako. Hindi siya nakakatawa nung panahon na iyon pero nang nakasakay na ako sa taxi at dun na nagbihis, nag-ayos ng buhok, nag makeup, nagpabango para hindi amoy sex at nag-papanic text at the same time, bumenta pala yung linya niya. Tiningnan ako ng taxi driver nung tumatawa akong mag-isa at naka pang-tango makeup at 1:55pm.

Pagdating ko sa school, sakto kami na yung next performers.
Haaay, determination does go a long way. :-)

Kayo, ano yung habit niyo usually pagkatapos mag sehehexytime? Ano naman yung weirdest thing you did?
 

Sunday, August 29, 2010

High and Dry.. but wet.

Hello guys, timecheck is 2:08 am. Galing ako Katipunan area, nakikipaginuman kasama ang mga kaibigan nang natumba ang isang bote at bumuhos ang beer. May bigla akong naalala na sobrang nakakatawa (at nakakainis) na nangyari sa akin nung isang linggo lang.

Galing parin sa inuman, kasama ang isa ko pang kaibigan (for a lack of a better term kasi hindi ko naman siya boyfriend, hindi ko lang naman fubu yon pero ewan ko ba). Nagpasya akong hindi na umuwi sa inuupahan kong kwarto dahil may curfew ako. Ew. Dahil sa ayaw kong mapagalitan at tuluyan nang mapaalis, dun na ako nakitulog sa bahay niya. Madalas ako dun pero hindi alam ng tatay niya na may toothbrush na ako at tuwalyang naka-assign sa akin. Pati na rin iba kong mga damit nandun na.

CC: "Hay nako Migo*, I'm here. Again."
Migo: "Oo nga eh, parang napapadalas ka na rito ah. Haha!"
CC: "Feeling ko nga kelangan ko nang magbayad ng lodging pati water & electricity eh."
M: "Hoy wag mo namang kalimutan yung mga utang mong.. talent fee. *evil smile*"
CC: "Haha, sa sobrang galing mo parang gusto na talaga kitang bayaran eh!"

Tumuloy na kami sa kwarto niya, binuksan muna ang ilaw, pinaandar ang electric fan at umupo ako sa gilid ng kama niya.

CC: "Bango naman ng bedsheets mo, hindi na amoy-sex"
M: "Well, do you want us to change that?"

ALAM NA.

Pinatay niya ang ilaw, humiga sa tabi ko at nagsimula ang pakikipaghabulan namin sa mga sabik naming labi. Kinse minutos na ang lumipas at parang gusto ko na siyang kainin nang buo. Lumabas lang ako saglit para uminom ng tubig but to my surprise pagbalik ko ng kwarto GUESS WHAT. Nakatulog na siya. Okay lang, gigising rin 'to maya-maya.

Nakatulog na rin ako ng siguro dalawang oras pero nagising rin sa biglaan niyang pagharap sa akin, sabay hawak sa batok ko at hinalikan ako sa labi pababa sa leeg. Sobrang intense at bilis ng pangyayari, nahagilap na rin ng kamay niya ang shorts kong suot, para bang peeling off the layers, papunta sa underwear ko na mamasa-masa na sa nangyaring pre-foreplay (or fore-foreplay whatever).

Biglang nakatulog ulit siya. Parang joke lang dibaaaa? WHAT THE HELL, sinisigaw ko sa utak ko, ano bang nangyari? Nananaginip lang ba yun o talagang antok lang? Tumayo na ako at nag-cr. Kitang-kita ko at nararamdaman kong sobrang basa ko na pero HELLO tinulugan lang pala ako ng hayop na yun. Sa muli kong paghiga sa kama niya, tinitigan ko lang siya ng matagal, umaasang magising siya pero wala talaga teh! So ayun. Libog? Itulog mo lang yan.

Next morning, wala siyang naalala. WALA. (Kaloka) Define disappointment. Grabe lumelevel up. Bumawi ka talaga next time, siguraduhin mo!

Hanggang sa muli, guys. :-)


*Migo ay hindi niya totoong pangalan.

Saturday, August 28, 2010

Sino Ako?

Lust by Andrew Burjak, oil on canvas
Karaniwan ata itong tanong ng mga taong nag-mimidlife crisis. Pagkatapos grumaduate ay magtrabaho pero hindi parin sigurado sa gusto nila sa buhay. Trabaho, ano pagkatapos? Bahay? Pamilya? Anak? But then again, sino ba naman ako para talakayin ang midlife crisis?

Hindi rin ako sigurado kung anong mga edad ang saklaw ng isang taong nasa "midlife" at kung kasama na ako rito pero sigurado ako sa isang bagay - hindi ako isang pangkaraniwang bente anyos na estudyante dahil nung nagpaulan ang Diyos ng libog, inuuwi ko na ang isang baldeng nasalo ko, papunta pa lang sila. Direct to the point, mahilig ako.

I come from a small town (down south Mindanao reprezzeeeeent) at ngayon ay nag-aaral Maynila, sa isa sa pinakatanyag na unibersidad sa bansa. Habang nasa probinsya ang magulang at kapatid ko, marami akong nakilala na kaibigang tinuring kong pamilya sa tinirhan dormitoryo nung first year ako. Tumira kami dun at... tumira na rin.

Madalas nga akong binibiro ng mga kaibigan ko,

Name: C.C.
Age:20
Sex:: Umm.. 20!

Hindi naman sa sinadya kong mangyari iyon pero sana my age would still be parallel sa bilang ng taong... biniyayaan ko. :-) (OH NO tagal pa namn ng 21st birthday ko! Hindi ako mag-aadvance, promise!)

Pagkatapos panoorin ang Diaries of a Nymphomaniac, naisipan kong gumawa ng sarili kong version nito. Kaya sa mga susunod na blog posts, mga masugid na mambabasa, sana bukas ang inyong isipan sa mga nakakatawa o nakagugulat na mga karanasan ko. :-)

ABANGAN.